MENU
FB IMG 1610278356273
SA PAGPAPATULOY NG PAGBIBIGAY SERBISYO PUBLIKO, nakapagtala na ng mahigit (2) DALAWANG MILYONG ridership ang ating FREE RIDE SERVICE FOR HEALTH WORKERS program. 
 
AT NAKAMIT PO NATIN ANG MILESTONE NA ITO DAHIL SA INYONG WALANG-PATID NA SUPORTA AT PAKIKIPAGBAYANIHAN.
 
Hindi biro ang tungkulin na ginagampanan ng ating mga essential frontliners, enforcers at drivers. Araw-araw nilang tinataya ang kanilang buhay alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng mga health workers na siya namang tumutulong upang magligtas ng mga buhay at patuloy na lumalaban upang masugpo ang sakit na COVID-19.
 
Kaya LUBOS po ang aming pasasalamat sa sakripisyo upang makagbigay-serbisyo para sa patuloy na operasyon ng DOTr Free Ride Service for Health Workers.
 
Taos na pasasalamat po ang nais iparating ng Kagawaran ng Transportasyon sa Google Philippines, at sa sakay.ph dahil naging posible at mas pinadali para sa ating mga frontliners na malaman ang mga ruta ng mga bus units. Pati na rin sa mga naunang kasama natin, ang PLDT Enterprise at Vectras Inc.
 
Lubos din ang pasasalamat ng DOTr sa Petron sa pagpapatuloy na pagbibigay ng FUEL SUBSIDY sa mga transport companies. Pinaaabot din namin ang pasasalamat sa iba pang oil companies na noo’y nakiisa sa naturang programa, gaya ng Phoenix Petroleum, CleanFuel, Total Philippines, at SeaOil Philippines.
 
Maraming salamat din po sa mga toll operators para sa kooperasyon at pakikiisa upang maisakatuparan ang libreng Toll Fee sa lahat ng expressway sa Luzon para sa mga medical workers at mga bus na kasali sa Free Ride Program, sa tulong ng Toll Regulatory Board (TRB) ng DOTr.
 
Binibigyang-pugay po namin ang mga sumusunod na pribadong kumpanya na walang-sawang nagbibigay ng kanilang suporta at kooperasyon sa programa: ang HM Transport, Jasper Jean, Ceres Transport/Goldstar, Philtranco, RRCG Transport, Jac Liner/ Dagupan Bus. Gayun na din ang pagpapasalamat namin sa panimulang kooperasyon ng: San Agustin, MetroExpress, Precious Grace Transport, St. Rose Transit, Hafti Transport, G-Liner, Manrose, Pilipinas Autogroup, Beep, Mitsubishi Motors, Elmer Francisco Industries, Isuzu Philippines, Foton Motors, Suzuki, MERALCO e-Sakay, Lucena Lines, Pangasinan Five Star Bus Co., Inc., City Bus, Star Bus, Earthstar Express, Inc., Gell Transport, at Jam Liner, Diamond V8, Pascual Liner, Pamana Transport, UBE Express, DLTB, Genesis, Hi-Star, Thelman Transit, Star8, at Megaworld Corp. (Citylink), Hino, Hyundai, uHop, at Toyota Motor Philippines.
 
Ikinalulugod din po namin ang pagtulong ng lahat ng mga food sponsors at donors na bukas-palad na nagbahagi ng pagkain para sa ating mga frontliners.
 
Maraming salamat po sa malasakit at pagmamahal na inyong ipinadama para sa ating mga kababayan.
 
Ang DOTr Free Ride for Health Workers Program ay patuloy na umaarangkada dahil sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Office of the President, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT). Kasama dito ang noo’y mga nakiisa sa ating serbisyo; ang Office of the Solicitor General, House of Representatives, Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI), Commission on Audit (COA).
 
Saludo po kami sa inyong dedikasyon, kasipagan at kabayanihan!
 
###
09 January 2021