MENU
FB IMG 1610457597207
Ang 7 COMMANDMENTS na ito ay rekomendasyon ng mga health experts upang makatulong sa pagprotekta ng ating kalusugan at kaligtasan, at upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sa gitna ng pagdadagdag sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon. 
 
Isa sa 7 Commandments na ipinapatupad ay ang PAGBABAWAL NG PAGKAIN HABANG NAKASAKAY SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN.
 
Sa paraang ito, bukod sa mapapanatili natin ang kalinisan sa loob ng transportasyon, maiiwasan din natin ang pagtanggal ng FACE MASK at FACE SHIELD na nagsisilbing essential armor of protection natin upang hindi tayo mahawa at makapanghawa sa kapwa natin pasahero. 
 
Nawa’y sundin at isapuso po natin ang 7 Utos na ito para sa kapakanan ng lahat.
 
Sa inyong kooperasyon at pakikiisa, siguradong mas lalakas ang ating pwersa laban sa Covid-19! 
 
###
11 January 2021