MENU

 FB IMG 1610457906602

 
Ang 7 COMMANDMENTS na ito ay rekomendasyon ng mga health experts upang makatulong sa pagprotekta ng ating kalusugan at kaligtasan, at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sa gitna ng pagdagdag sa kapasidad ng pampublikong transportasyon. 
 
Isa sa 7 Commandments na ito ang pagsiguro ng mga PUV operator at drayber na may SAPAT AT MAAYOS NA VENTILATION ANG KANILANG MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN.
 
Batid ng Department of Transportation (DOTr) ang kahalagahan ng tamang ventilation sa loob ng mga pampublikong sasakyan upang makatulong sa pagpapababa ng risk ng pagkahawa sa virus. 
 
Kaya naman, ipinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na masusi itong pag-aralan ng mga sektor ng transportasyon upang maipatupad ng wasto. 
 
Ang mga bintana ng mga pampublikong sasakyan ay mas mainam na buksan upang makadaloy nang maayos ang hangin. Kung wala namang bintana, nararapat na mayroon itong modern ventilation system, o kaya naman ay lagyan ng alternative engineering solution para sa maayos na sirkulasyon ng hangin sa loob ng sasakyan. 
 
Nawa’y sundin at isapuso po natin ang 7 Utos na ito para sa kapakanan ng lahat.
 
Sa inyong kooperasyon at pakikiisa, siguradong mas lalakas ang ating pwersa laban sa Covid-19! 
 
###
12 January 2021