MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
FB IMG 1610724645829
Ang 7 COMMANDMENTS na ito ay rekomendasyon ng mga health experts upang makatulong sa pagprotekta ng ating kalusugan at kaligtasan, at nang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sa gitna ng pagdagdag sa kapasidad ng pampublikong transportasyon. 
 
Isa sa 7 Commandments na ipinatutupad ay ang PAGBABAWAL SA PAGSAKAY NG MGA PASAHERONG MAY SINTOMAS NG COVID-19 SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN.
 
Panawagan po namin ang mahigpit na pagpapatupad ng monitoring at pre-boarding health check sa mga pasahero ng public transportation. 
 
Kapag ang pasahero ay makitaan ng sintomas kagaya ng ubo, sipon at temperaturang 37.8 degrees celsius pataas, hindi po sila papayagang makasakay sa mga tren, bus, jeepney, barko, atbp., upang maingatan po ang iba pang pasahero mula sa banta ng virus.
 
Nawa’y sundin at isapuso po natin ang 7 Utos na ito para sa kapakanan ng lahat.
 
Sa inyong kooperasyon at pakikiisa, siguradong mas lalakas ang ating pwersa laban sa Covid-19! 
 
###
14 January 2021

2020 Annual Report

2020annualreport

 

TS FOI GPPB