MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
FB IMG 1610724922915
Walang patid ang pagbibigay ng LIBRENG SAKAY ang Kagawaran ng Transportasyon sa ating mga bayaning HEALTH WORKERS, hindi lamang sa National Capital Region (NCR), kundi maging sa regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA!
 
Naihahandog ang libreng sakay sa iba pang panig ng bansa dahil sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
 
Kahapon, ika-13 ng Enero 2021, umabot na sa bilang na 2,019,354 ang kabuuang ridership ng programa, kung saan 557,272 ang total ridership sa NCR-Greater Manila, habang 1,462,082 naman sa iba pang mga rehiyon.
 
Malalaman din ang aktwal na lokasyon ng mga vehicle units, maging ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila, sa website, at mobile app ng Sakay.ph. Ibig sabihin, mas madali para sa ating mga health workers na malaman kung saan maaaring i-avail ang libreng sakay. Narito ang UPDATED MAP LINK: https://covid19.sakay.ph
 
Samantala, ayon sa datos ng Road Sector, umabot sa kabuuang bilang na 65 VEHICLE UNITS ang na-deploy para sa libreng sakay kahapon, ika-13 ng Enero 2021.
 
Katuwang din ng DOTr sa programa ang Petron Corporation, na nagbibigay ng FUEL SUBSIDY sa mga transport companies na kasali sa inisyatibo. 
 
Samantala, nananatiling LIBRE ang TOLL FEE sa LAHAT ng EXPRESSWAYS sa Luzon para sa mga medical workers. Ang FREE TOLL FEE program naman ay naisakatuparan dahil sa kooperasyon at pakikiisa ng mga toll operators sa Toll Regulatory Board (TRB) ng DOTr. 
 
Ang inisyatibong ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Office of the President, Office of the Solicitor General, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT)
 
Partner din ng gobyerno sa inisyatibong ito ang HM Transport, Diamond V8, Pascual Liner, Pamana Transport, Jasper Jean, Goldstar, Philtranco, UBE Express, DLTB, Genesis, Hi-Star, Thelman Transit, Ceres Transport, RRCG Transport, Jac Liner, Dagupan Bus, Star8, at Megaworld Corp. (Citylink), Hino, Hyundai, uHop, at Toyota Motor Philippines.
 
###
14 January 2021

2020 Annual Report

2020annualreport

 

TS FOI GPPB