MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
FB IMG 1610725521241
Ang 7 COMMANDMENTS na ito ay rekomendasyon ng mga health experts upang maprotektahan ang ating kalusugan at kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, sa gitna ng pagdagdag sa kapasidad ng pampublikong transportasyon. 
 
ISA SA 7 UTOS na mahigpit na ipinapatupad ay ang pagsunod sa APPROPRIATE PHYSICAL DISTANCING MEASURE gaya ng ONE-SEAT APART rule sa lahat ng pampublikong transportasyon. 
 
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng buong Gabinete ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na naglalayong makatulong sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa.
 
Ipatutupad ito sa loob ng mga public transport vehicles gaya ng bus, jeep, tren, barko at eroplano. Maaari namang magtabi sa upuan ang mga pasahero kung mayroong plastic barrier sa kanilang pagitan, o mayroong UV lights para sa disinfection ng sasakyan. Ang mga ito ay naglalayong masiguro ang kaligtasan at mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga komyuter, drayber at operator. 
 
Ang inyong kooperasyon at pakikiisa sa pamamagitan ng pagsunod sa 7 Utos ay siguradong mas lalakas ang ating pwersa upang tuluyang malabanan ang Covid-19!
 
###
15 January 2021

2020 Annual Report

2020annualreport

 

TS FOI GPPB