
NOON, dahil makipot ang kabalyete ng Port of Estancia sa Iloilo, pawang mga bangka lang ang gumagamit dito.
Upang makahikayat ng mga barko na dumaong sa pantalan at maghatid ng progreso sa lugar, sinimulan ang pagpapalawig ng access trestle ng port, konstruksyon ng causeways at paglalagay ng Ro-Ro ramp platform noong Marso 2018.
NGAYON, OUTSTANDING na ang kalagayan ng Port of ESTANCIA!
Sa pangunguna ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, at sa ilalim ng paggabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, 100% complete na ang port development project na ito.
Nalagyan na rin ng mga kinakailangang pasilidad ang port upang makapagbigay ng serbisyo sa mga Ro-Ro vessels at mas malalaking barko.
Magiging kampante na rin ang ating mga kababayan sa paggamit ng port dahil mas ligtas at matibay na ito.
Ang port development project para sa Port of Estancia ay opisyal na nakumpleto noong Pebrero 2020, at pinasinayaan na rin ito 'virtually' noong Hunyo 2020.
#DOTrPH🇵🇭 #PPAWorks #MaritimeSectorWorks #BUILDBUILDBUILD #RechargePH #ComfortableLifeForAll #DuterteLegacy #PartnersForChange
22 February 2021