MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
FB IMG 1614066610794
 
Bilang pagsuporta at tulong sa mga commuter bikers, at para mas hikayatin pa ang iba nating kababayan na gumamit ng bisikleta bilang isang active mode ng transportasyon, lalong-lalo na ngayong pinapairal pa din ang mga quarantine measures upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 pandemic, handog ng Department of Transportation (DOTr), at ng Railways sector nito ang libreng paggamit ng mga  BIKE RACK facilities na matatagpauan sa iba't ibang stations ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR. 
 
Sa ilalim ng direktiba at patnubay ng DOTr, sa pamunuan ni Secretary Arthur Tugade, nagkaisa ang mga Rail Lines na maglagay sa kanilang mga istasyon ng mga bike racks na magagamit nang libre ng ating mga pasaherong siklista.
 
Sa kasalukuyan, naikabit na ang mga bicycle racks sa Central, Libertad, Baclaran, Edsa, Gil Puyat, U.N Avenue, Monumento, Tayuman, D. Jose, Blumentritt, Vito Cruz stations at sa mismong Depot ng LRT-1.
 
Sa LRT-2 naman, ang mga istasyon na kung saan available na ang mga bike racks ay ang Betty Go-Belmonte, Gilmore, J. Ruiz, V. Mapa, Pureza, Legarda, Santolan, Katipunan at Anonas. 
 
Sa MRT-3, ang mga sumusunod na stations ang mayroon nang bike racks: North Avenue; Quezon Avenue; GMA-Kamuning; Cubao; Santolan-Annapolis; Ortigas; Shaw Boulevard; Boni; Guadalupe; Ayala; Buendia; at Taft Avenue.
 
Patuloy naman ang pag-iinstall ng mga bike racks sa mga pangunahing stations ng PNR, bukod sa Tutuban station, na kung saan ito ay available na.
 
Hinihikayat ng DOTr at ng mga Rail Lines nito na gamitin ng ating mga commuter-bikers ang mga nasabing pasilidad, at pinapaalalahanan din ang mga pasahero na siguraduhing secured ang kanilang bike, sa pamamagitan ng paggamit ng mga personal at fully-secured na mga padlock.
 
Ride safe po!
 
#DOTrPH #RailwaysSectorWorks
#MatibayAngPILIPINO #COVIDlangtoPILIPINOtayo #WeHealAsOne
 
23 February 2021

2020 Annual Report

2020annualreport

 

TS FOI GPPB