MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210407 154406
Mainit na pagtanggap at pagsalubong ang naranasan ng huwarang jeepney driver na si Ginoong Alex Dayrit, mula sa mga opisyal ng Kagawaran ng Transportasyon, sa pangunguna mismo ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade, sa DOTr Central Office sa Clark, Pampanga ngayong araw, 07 Abril 2021.
 
Pinuri ni Secretary Tugade si Dayrit matapos mapanood ng Kalihim ang viral video tampok ang mahusay na diskarte ng drayber sa kaniyang minamanehong jeep. 
 
Sa naturang video, makikita ang kakaibang modification na ginawa ni Dayrit sa loob ng kaniyang jeepney upang mapanatili ang physical distancing masiguro na ligtas ang mga pasahero sa gitna ng pandemya. Tig-isa ng upuan ang bawat pasahero na nakaharap sa direksyon ng driver. Maihahalintulad ang bagong layout nito sa isang mini-version ng bus na kaniya umanong sinadya para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga sumasakay. Dagdag pa dito, may mga nakasabit na alcohol spray sa bawat row ng sasakyan ma maaaring gamitin ng mga pasahero sa kanilang pag-disinfect. 
 
Umani ng papuri sa social media ang diskarteng ito ni Dayrit, habang ikinasisiya naman daw ito ng kaniyang mga pasahero.
 
Sa tuwa ni Secretary Tugade sa pagiging mapamaraan ni Dayrit, agad siyang pinahanap ng Kalihim para personal na pasalamatan at kilalanin.
 
Ayon kay Secretary Tugade, modelo para sa tinatawag na health protocol compliance ang mahusay na pagkaka-disensyo ng jeepney ni Dayrit. Patunay rin daw ito kung paano niya pinag-isipan at isinapuso ang paghahanap ng paraan para siguruhing ligtas ang mga pasahero.
 
"Sa inyong ipinakitang diskarte, husay at malasakit sa kapwa, nagpapatotoo lamang ito sa pagiging malikhain at mapamaraan – na mga katangian ng isang tunay na Pilipino. Hindi ‘ho matatawaran ang inyong galling,” ani Secretary Tugade.
 
“During this pandemic, there are those that have thrown in the towel, while others are contemplating to surrender. But you, Sir, remained strong, undaunted and came as an outstanding role model to emulate," dagdag pa ng Kalihim.
 
Lubos din ang paghanga at respetong ipinakita ni Tugade kay Dayrit matapos n'yang malaman na sa 17 taon na ito ay namamasada sa kalsada, kahit kailan ay hindi ito nagkaroon ng kahit anong paglabag o traffic violation.   
 
Bilang pagkilala sa kaniyang pagiging mabuting halimbawa, ipinag-utos ni Secretary Tugade na bigyan si Dayrit ng lisensya na may 10-year validity mula sa Land Transportation Office (LTO) na agad namang sinang-ayunan ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante.
 
"Isa kang mabuting huwaran, Alex. Napakahirap mag-maintain ng malinis na record sa loob ng 17 taon, pero kinaya at nagawa mo. Sana marami pang tumulad sa ehemplong ipinakita mo," ani Asec. Galvante.
 
Makatatanggap rin ng libreng livelihood training ang kaniyang anak sa ilalim ng “Tsuper Iskolar Program” na proyekto ng DOTr at TESDA, kung saan libre ang skills training sa loob ng higit isang buwan at may P350 na allowance kada araw. 
 
Bukod pa dito, nag-abot si Secretary Tugade kay Dayrit ng munting halaga mula sa sarili n'yang bulsa upang makatulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya. 
 
"Nagpapasalamat po ako sa inyo. Malaking karangalan po ito para sa akin na ma-meet ko po kayo," mensahe ni Dayrit sa Kalihim at iba pang opisyal ng Kagawaran.
 
"Sana po, malampasan po natin 'yung problema ng bansa natin. Thank you very much po,” ayon kay Dayrit.
 
Matapos ang pribado at maikling pagpupulong, ipinakita ng huwarang driver ang ngayo’y sikat niyang jeepney, kay Secretary Tugade at sa mga opisyal ng Kagawaran.
 
#DOTrPH 🇵🇭 #RoadSectorWorks #HuwarangDriver
07 APRIL 2021

 

TS FOI GPPB