MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210430 182437
Ganito kung ilalarawan ang rubber boat na ginamit ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Surigao del Sur sa pagsasagawa ng #BayanihanSaKaragatan ngayong araw, ika-30 ng Abril 2021.
 
Naglalaman ito ng sariwang gulay, bigas, canned goods, at pampalasa sa pagkain na ipinamahagi sa 100 mangingisda sa katubigan ng Barangay Mangagoy at Barangay Labisma sa Bislig City, Surigao del Sur kaninang umaga. 
 
Pinapili ng mga PCG personnel ang mga mangingisda kung anong suplay ang kanilang kailangan para mabigyan ng masarap at masustansyang pagkain ang kanilang pamilya. 
 
Pagkatapos nito, pinaalalahanan din sila na ingatan ang kanilang kalusugan gayong talamak pa rin ang banta ng COVID-19. 
 
Patuloy na hinihikayat ng PCG ang mga unit nito sa iba't-ibang parte ng bansa na makibahagi sa 'BAYANIHAN SA KARAGATAN' bilang pagmamalasakit sa mga mangingisda at kanilang mga mahal sa buhay sa gitna ng pandemya.
 
[Photo Courtesy: PCG Surigao Del Sur] 
 
 
#DOTrPH🇵🇭 #CoastGuardPH #MaritimeSectorWorks
 
30 APRIL 2021 

 

TS FOI GPPB