MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

 

KARAGDAGANG INCENTIVES SA ILALIM NG SERVICE CONTRACTING PROGRAM, HANDOG NG DOTr-LTFRB PARA SA MGA MAGIGITING NATING PUV DRIVERS NGAYONG LABOR DAY

Ikinagagalak ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipaalam sa mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers sa ilalim ng Service Contracting Program na magbibigay ang ahensya ng karagdagang incentives bilang pasasalamat sa magigiting na drivers na sumali sa programa upang patuloy ang pagseserbisyo sa pampublikong transportasyon sa gitna ng ating kinakaharap na pandemya.

Alinsunod sa LTFRB Memorandum Circular (MC) 2021-030, ang mga onboarded PUV drivers hanggang ika-30 ng Abril 2021 sa Service Contracting Program ay makakatanggap ng one-time incentive na Php25,000. Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard sa programa mula ika-1 ng Mayo hanggang ika-15 ng Hunyo 2021, Php20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.

Bukod pa rito, maaring makatanggap ng dagdag na Php7,000 ang mga PUV drivers na kasali sa Service Contracting Program kung sila ay maglolog-in sa Systems App nang limang (5) beses sa loob ng isang linggo.

Maaari magrehistro ang interesadong driver na bukas na ang ruta ngayong pandemya sa pamamagitan ng link na ito: www.servicecontracting.ph. Narito naman ang dokumentaryong gabay patungkol sa programa: bit.ly/LTFRBSCManual.

Upang magsilbing gabay sa pag rehistro sa programa, maaari lamang ay panoorin ang video na ito: bit.ly/SCVideoInfomercial.

Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga PUV drivers para sa ating mga mananakay.

SALUDO PO KAMI SAINYO!

#LaborDay 🇵🇭
#DOTr #LTFRB
#ServiceContractingProgram

01 May 2021

 

TS FOI GPPB