MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

FB IMG 1620033004371

TULOY-TULOY pa rin ang DOTr FREE RIDE FOR HEALTH WORKERS AND MEDICAL FRONTLINERS PROGRAM!

 
Bilang tugon sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade na tulungan ang ating mga bagong bayani na makabiyahe ng LIBRE patungo sa kani-kanilang mga trabaho ngayong isinailalim muli ang National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community, patuloy po ang pag-arangkada ng DOTr Free Ride for Health Workers at Medical Frontliners sa Greater Metro Manila Area at sa buong bansa!
 
Simula 18 March 2020 hanggang 02 May 2021, nakapagtala na ng kabuuang bilang na 2,298,913 ridership ang programa, kung saan 604,330 sa mga ito ay mula sa NCR, at 1,670,884 naman ay sa iba pang rehiyon.
 
Narito po ang 20 ruta na binabagtas ng ating mga Free Ride buses sa Greater Metro Manila:
 
Route 1: Meralco (Malanday) papuntang United Doctors Medical Center
 
Route 2: Valenzuela Gateway Complex papuntang United Doctors Medical Center
 
Route 3: SM City San Jose Del Monte papuntang Centris 
 
Route 4: SM Masinag papuntang The Medical 
City Ortigas
 
Route 5: Ortigas Hospital and Healthcare Center papunta Rizal Medical Center
 
Route 6: MRT 3 Cubao papuntang Philippine General Hospital via MRT 3 Centris Station
 
Route 7: Pasig City General Hospital papuntang Makati Medical Center
 
Route 7a: Medical City Ortigas papuntang VRP Medical Center
 
Route 8: Starmall Alabang papuntang St. Luke’s Medical Center - BGC
 
Route 9: Vista Mall Daang Hari papuntang United Doctors Medical Center
 
Route 10: RITM papuntang Starmall Alabang
 
Route 11: Starmall Alabang papuntang Manila Doctors Hospital
 
Route 12: Dasmariñas Pala-Pala papuntang Manila Doctor’s Hospital
 
Route 13: Starmall Alabang papuntang Sea Oil Imus Daang Hari/Aguinaldo
 
Route 14: SM City Taytay papuntang St. Luke’s Medical Center – QC
 
Route 15: SLEX Sucat Exit papuntang Philippine General Hospital
 
Route 16: MRT-3 Cubao papuntang Philippine General Hospital
 
Route 17: SM City San Jose Del Monte papuntang SM Fairview/ Commonwealth Hospital and Medical Center
 
Route 18: LRT-1 Monumento papuntang Baclaran Market
 
Route 19: First Cabuyao Hospital and Medical Center papuntang Starmall Alabang
 
Route 20: SM City Masinag papuntang Lawton
 
Maliban dito, naghanda rin ang DOTr, sa pamumuno ni Secretary Arthur Tugade, at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ng 50 na ruta ng mga jeepney na kabilang sa Service Contracting Program, upang magbigay naman ng LIBRENG SAKAY sa ating mga essential travelers o Authorized Persons Outside Residence (APORs).
 
Narito po ang link kung saan makikita ang 50 na ruta: https://www.facebook.com/130406490431829/posts/1989197791219347/?d=n
 
#DOTrPH🇵🇭 #RoadSectorWorks #WeHealAsOne
 
03 May 2021 

 

TS FOI GPPB