MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

Screenshot 20210504 151231

Ang PINAGANDA, PINALAWAK AT KABOG NA KABOG NA CALBAYOG AIRPORT, PASISINAYAAN NA BUKAS!

 
NOON, isang maliit at masikip lamang na gusali ang paliparan ng Calbayog sa probinsya ng Samar, Eastern Visayas.
 
Napag-iwanan na ng panahon, at tila napabayaan na sa loob ng maraming taon.
 
Upang mabigyang-buhay muli ang Calbayog Airport, at makapaghatid ng bagong pag-asa sa ating mga kababayan sa Samar, agarang umakyson ang Department of Transportation (DOTr), sa ilalim ng liderato ni Secretary Arthur P. Tugade, at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa pangunguna ni Director General Jim Sydiongco, upang masimulan ang modernization at renovation ng paliparan noong 2017.
 
NGAYON, MODERNO AT TUNAY NANG MAIPAGMAMALAKI ANG CALBAYOG AIRPORT!
 
Saklaw ng development project ng paliparan ang bagung-bago nitong Passenger Terminal Building (PTB) na mayroong modern shed, mas malawak na apron, bagong taxiway, at drainage system.
 
Maliban pa rito, kabilang din sa mga naisaayos na mga pasilidad ng paliparan ay ang mga restrooms, pre-departue lounge, at runway. 
 
Dahil sa pagsasakatuparan ng proyektong ito, makakalapag na sa Calbayog Airport ang mas malalaking eroplano, at inaasahang darami pa ang daily flights mula at patungo sa probinsya.
 
Ngayong upgraded na ang Calbayog Airport, na itinuturing na “complementary gateway” ng Tacloban Airport sa Eastern Visayas, tiyak na mas uusbong ang ekonomiya ng lalawigan ng Samar at mga karatig-lalawigan nito.
 
Dagdag pa rito, naging susi ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad sa paliparan upang magkaroon ng trabaho ang higit 1,500 na mga kababayan natin sa Samar.
 
Sa pagbubukas naman ng paliparan, tinatayang nasa 300 na karagdagang direktang trabaho ang naghihintay para mga residente ng Samar!
 
MAS MASAGANANG EKONOMIYA AT MAS MATAAS NA ANTAS NG PAMUMUHAY—ito ang handog ng DOTr at ng CAAP, sa ilalim ng “BUILD, BUILD, BUILD” Program ng Administrasyong Duterte!
 
Abangan bukas, ika-05 ng Mayo 2021, ang isang makasaysayang pagpapasinaya ng Calbayog Airport!
 
#DOTrPH🇵🇭 #BUILDBUILDBUILD #ComfortableLifeForAll #Calbayog #AviationAndAirportsSectorWorks
 
04 May 2021 

 

TS FOI GPPB