MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
IMG cc37533ffdc55dd0895ca070a7eeb0fe V
Ngayong araw ay pasisinayaan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Presidential Adviser for the Visayas Michael Dino, at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco ang mga natapos na Airport Development Projects sa Calbayog Airport, kabilang ang bago nitong Passenger Terminal Building (PTB).
 
Bukod sa konstrukyon ng bagong PTB, kasama sa mga natapos na proyekto sa Calbayog Airport ay ang bago nitong Apron, Taxiway, at Drainage System.
 
Kasama din sa mga natapos na proyekto ang runway widening, runway asphalt overlay, construction of Runway End Safety Area, gayundin ang Vehicular Paring Area at Security Fence
 
Kung noon ay 76 passengers lamang ang passenger capacity lumang terminal, ngayon, dahil sa bagong PTB, kaya nang mag-accommodate ang paliparan ng 450 passengers. Dahil sa proyekto, magkakaroon din ng enhanced safety and efficiency of jet aircraft operations.
 
Sa construction phase pa lamang ng proyekto ay nakapag-generate ito ng 1,500 jobs. Halos 300 indirect jobs naman ang inaasahang employment generation oras na maging operational na ang bagong PTB. Kabilang dito ang mga iha-hire na government personnel, airline, cargo operations, at concession personnel. 
 
Inaasahan din na mas mapauunlad ng Calbayog Airport Development Projects na ito ang economic activities at tourism potential ng lalawigan ng Samar, pati na ang buong Region 8.
 
#BuildBuildBuild #Calbayog #Waray #DOTrPH🇵🇭
 
05 May 2021

 

TS FOI GPPB