MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 123IndependenceDay

Screenshot 20210608 122227

TINGNAN: Lumagda ang Department of Transportation (DOTr) pangunguna ni Secretary Art Tugade ng isang Memorandum of Agreement (MOA) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng liderato ni Secretary Silvestre Bello III, at Overseas Workers Welfare Administration, sa pangunguna ni Administrator Atty. Hans Leo Cacdac, bilang pagpupugay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ginanap na 2021 Migrant Workers’ Day: “Salamat sa Tibay, Galing at Malasakit Mo, Kabayan” kahapon, Hunyo 7, 2021.

 
Layunin ng kasunduan sa pagitan ng DOTr at OWWA na mabigyan ng oportunidad ang ating mga qualified returning OFWs na makapagtrabaho sa ilalim ng iba’t ibang infrastructure projects ng DOTr.
 
Nakasaad sa kasunduan na bibigyan ng DOTr ang OWWA ng listahan ng mga bakanteng posisyon na maaaring apply-an ng isang OFW.
 
Binigyang-pugay ni Sec. Tugade ang ating mga OFWs, na tinawag niyang “modern day heroes”, sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo, kontribusyon, at serbisyo, hindi lamang para sa kani-kanilang pamilya, kundi pati na rin sa bayan.
 
“Sa lahat ng sakripisyo at tulong ninyo sa gobyerno, hayaan ninyong ang pamahalaan naman ang tumulong sa inyo. Ladies and gentlemen, we are opening our doors for all our beloved OFWs who want to be part of the various projects of the DOTr,” sabi ni Sec. Tugade.
 
Giit ni Sec. Tugade bibigyang prayoridad na makapagempleyo ang mga OFWs, mga tsuper at konduktor na nawalan ng hanapbuhay sa ilalim ng Build, Build, Build Infrastructure Program. 
 
Nananawagan din ang kalihim sa mga dating OFWs na magtrabaho para sa DOTr dahil marami ang trabahong naghihintay para sa kanila sa ilalim ng Build, Build, Build Program nang hindi na nila kailangang mangibang bansa at iwan ang kanilang pamilya para lamang maghanap buhay.
 
“Nariyan ang mga proyekto sa riles, paliparan, kalsada, ports projects. Andito ang oportunidad. Pumasok kayo at gamitin ang oportunidad na nandito,” paliwanag ng kalihim.
 
Dagdag pa niya, “We are calling our former OFWs, we would need dedicated men and women to get our Build, Build, Build Project on wheels.”
 
Nasaksihan din ang paggawad ng OWWA ng iba’t ibang benepisyo-- tulad ng scholarship program, livelihood assistance, reintegration program for teachers, Balik Pinas! Balik Hanapbuhay! Program-- sa ating former OFWs na nasa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
 
Samantala, nagkaroon din ng Kamustahan with OFWs na nasa iba’t ibang parte ng mundo tulad ng Middle East, Japan, at South Korea. Taos-puso namang nagpasalamat ang mga ito sa tulong na naipapaabot ng national government sa kanila, sa gitna ng global crisis.
 
“Uuwi ho kami basta may nakaantabay na trabaho, Sir. Kasi, para sa pamilya namin kaya kami nangibang bansa,” dagdag ng isang OFW.
 
Kasama rin sa ceremony ang MOA signing sa pagitan ng DOLE, OWWA at NHA, na naglalayon na mabigyan ng abot-kaya at dekalidad na pamamahay ang ating mga migrante, at MOU sa pagitan ng DOLE, OWWA, at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), na siyang layunin na gabayan ang paglalakbay ng ating mga kababayang muslim sa Middle East.
 
#DOTrPH🇵🇭 #DOLE #OWWA #NHA
#MigrantWorkersDay

 

TS FOI GPPB