MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210608 182401
Pinangunahan ngayong araw ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang pag inspeksyon ng New Passenger Terminal Building (PTB) ng Clark International Airport (CRK) sa Pampanga.
 
Ang ginawang inspeksyon ay bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pagbukas ng bagong Terminal ng CRK. Kasama sina Luzon International Premiere Airport Development (LIPAD) Corporation President Bi Yong Chungunco, personal na inikot ni Sec. Tugade ang loob ng bagong terminal para makita ang progress ng construction.
 
Kasama rin ni Secretary Tugade si DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, para sa pag-usap sa paglatag ng map route alignment para sa North-South Commuter Railway Extension (NSCREx) project na magdudugtong sa CRK underground station. 
 
Sa Hulyo 2021 nakatakdang pasinayaan ang bagong airport terminal para sa domestic operations, na susundan ng pagbukas din ng international operations sa Setyembre 2021. 
 
Tinatayang aabot sa 12.2 million pasahero ang kayang maserbisyon nito oras na mabuksan at mag full scale operations ang bagong terminal, mas triple na bilang kumpara sa kasalukuyan na 4.2 million pasahero kada taon (bago mag pandemya)
 
Malaki ang maitutulong ng project na ito sa long term econimic growth ng bansa, paglago ng turismo, lalung lalo na sa pagbibigay trabaho at iba pang oportunindad para sa ating mga kababayan.
 
Sa katunayan, mahigit 1,600 na manggagawa din ang nabigyan ng oportunidad na maging bahagi ng proyekto sa gitna ng pandemiya at inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng empleyo oras na matapos ang bagong terminal ng Clark Airport project. 
 
"You wait and see, a real 'world class' terminal. It's coming up, its coming up in Clark. Thanks to LIPAD, the men and women of Clark International Airport are really very good," galak na pahayag ni Secretary Tugade. 
 
Kasama rin sa isinagawang inspeksyon sina DOTr Assistant Secretary for Aviation and Airports Jim Melo, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Chief of Staff and Airport Projects Team Head Atty. Danjun Lucas, at iba pang representatives mula sa LIPAD. 
 
#DOTrPH🇵🇭 #BUILDBUILDBUILD #AviationAndAirportsSectorWorks #NewPTBCRK #ClarkInterionalAirport