MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 123IndependenceDay

Screenshot 20210610 192420

TINGNAN: “Itong proyektong ito provides the people of Lingayen the needed connectivity, so that their life and their business will run comfortably and more convenient.”

 
Ito ang ipinarating na mensahe ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade  sa naging on-site inspection niya sa completed Pangasinan Port Cluster Development Project sa Brgy. Pangapisan at Brgy. Capandanan sa Lingayen, Pangasinan. 
 
Sa naging inspeksyon, ibinahagi ni Sec. Tugade ang napakaraming benepisyong hatid ng proyekto, na magpapalakas ng socio-economic activities sa lugar, at mas magbibigay ng ginhawa sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pangasinense.
 
“Itong proyekto na ito ay pakikinabangan ng mga mangingisda, nang sa ganon, ‘yung kanilang huling isda ay hindi na ‘ho nila iisipin kung papano dadalhin from one point to another. Ang makikinabang din ‘ho nito ay ‘yung mga mag-aaral, na kung saan, noon sinabi ni Captain Santiago, na magbi-biyahe pa ‘yung mga estudyante ng 30 minutes, ngayon, with this connectivity, ang biyahe na lang ‘ho nila ay 3-5 minutes. Ito rin ‘ho ay pakikinabangan ng mga negosyante at komprador, kung saan mapapabilis ‘yung daloy ng mga kargamento, mapapabilis ‘yung biyahe nila from one point to another,” ani Sec. Tugade.
 
Saklaw ng proyektong ito ang konstruksyon ng rock causeway na mayroong stairlanding sa Brgy. Capandanan, at riverlanding sa Pangapisan North.
 
Para naman kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, kasabay ng paghayag ng kaniyang pasasalamat, ay ipinabatid niya rin ang suporta ng buong mamamayan mg Lingayen, sa mga proyekto, programa at inisiyatibo ng DOTr, sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Tugade, na sentro sa pagpapabuti ng transportasyon at pamumuhay ng bawat Pilipino.
 
“Here in Lingayen, we are supportive of your [Secretary Tugade] Department’s programs and actions,” ani Mayor Bataoil.
 
Ibinahagi din ni Sec. Tugade ang iba’t iba pang mga proyektong naghihintay para sa mga Pangasinense, kabilang na ang Lingayen Airport Development Project, at mga road-based transport initiatives, tulad ng “Free Ride for Health Workers and APORs” Program sa ilalim ng Service Contracting Program ng LTFRB, at Tsuper Iskolar Program.
 
“Kasama ang CAAP, pipilitin at gagawin namin ng paraan na pahabain at palaparin ang runway upang sa ganoon ‘pag nakamtan namin ‘yung hangarin namin na haba at lapad, pwede nating i-classify ang Lingayen Airport into a tourism aiport. Pag nagawa yan, gagaaan at magkakaroon ng magandang buhay ang turismo dito. Ang mga kababayan natin na manggagaling sa buong kapuluan a mga turista na manggagaling sa ibang lugar ay mag-eenjoy at titingnan ‘yung beauty of Pangasinan but most importantly the people who will come to Pangasinan will feel the warmth and hospitality of the Pangasinenses.”
 
Para sa handog na Libreng Sakay, masayang ibinahagi ni Sec. Tugade, “Meron ‘hong programa ang ating Kagawaran, kasama ‘yung LTO at LTFRB na kung saan naga-alok at nagbibigay ng Libreng Sakay para sa tatlong klase ng tao—medical frontliners, essential workers, at APORs.”
 
Dagdag pa niya, “Libreng pamasahe’yan. Kailangan gamitin niyo ‘yan, kasi kapag ginamit niyo ‘yan, mae-encourage ako na patagalin at dagdagan pa ‘yan. Proyekto ng LTFRB at Kagawaran ng Transportasyon.”
 
Inihayag din ni Sec. Tugade ang gagawin niyang aksyon ukol sa ferry station na nirekomenda ni Mayor Bataoil, na mayroon ng feasiblity study.
 
“‘Yung sa ferry station, kung saan sinabi ko babalikan ko siya in 15 days at malalaman at malalaman natin ‘yung ferry station na nirerekomenda niya na may feasibility study na sa Binmaley, sabi ko bigyan moko maximum 30 days balikan kita. One way or another, that will have to be acted upon,” Ani Sec. Tugade.
 
Para naman sa Tsuper Iskolar Program, ipinaliwanag ni Sec, Tugade, “Para matulungan ang ating mga kababayan at ang barangay, similarly situated dito, meron ‘ho kaming programa na ang tawag ay Tsuper Iskolar. Ibig sabihin, kapag ikaw ay tsuper o conductor, at gusto mo ng bagong talento, skills, o gawain, pumunta ka sa TESDA, mamili ka ng mga kurso doon. Habang kinukuha mo ‘yung kurso, 30-35 days may allowance ka para ma-cover ‘yung pamasahe habang nagaaral ka. Hindi ka makuntento, gusto mo isama ang asawa mo para mag-aral, pwede. Enroll mo manicure, pedicure, kulot, sari-sari store. Isama mo ‘yung panganay mo.”
 
“Lahat ‘ho ‘yan, samu’t saring mga programa na kung saan, sabi namin, dalhin ang mga programang ito upang ‘yung hanapbuhay ng mga Pangasinense, ‘yung hanap buhay sa Pangasinan, ay mapalago at malagay sa kaayusan,” dagdag pa ni Sec. Tugade.
 
Maliban dito, bahagi ng aktibidad ang pagbibigay ng Registration for Safety and Security at Environmental Numbering System para sa 100 mangingisda at bangkero, at pagpapaliwanag ng safety measures sa tuwing may sakuna at bagyo, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), at Maritime Industry Authority (MARINA), 
 
Kasama rin sa naganap na pagbisita sa Pangasinan sina DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr, OIC Undersecretary for Finance Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, Assistant Secretary for Aviation and Airports Jim Melo, OIC Assistant Secretary for Maritime VADM Narciso Vingson Jr., Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran, LTFRB Regional Director Nasrudin Talipasan, at mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan ng Lingayen.
 
#DOTrPH🇵🇭 #MaritimeSectorWorks #Pangasinan #Capandanan #Pangapisan

 

TS FOI GPPB