MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 123IndependenceDay
Screenshot 20210610 192601
TINGNAN: Pormal na inanunsyo ni Secretary Art Tugade ang implementasyon ng "Free Ride for Health Workers and APORs Program" sa lalawigan ng Pangasinan, sa ilalim ng Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
 
Ang anunsyo ay ginawa sa gitna ng dayalogo kasama ang mga transport stakeholders sa Dagupan, Pangasinan ngayong araw, ika-10 ng Hunyo 2021.
 
Kabilang sa anunsyo ang anim (6) na dagdag na inter-connected city routes, na mayroong 65 modern Public Utility Vehicle (PUV) units, kung saan dalawa (2) rito ang sinimulan nang buksan para mapakinabangan ng mga Pangasinense ngayong araw.
 
Hinikayat ni Sec. Tugade ang mga Pangasinense na tangkilikin ang programa dahil ito ay malaking tulong sa kanila sa gitna ng pandemya. Ayon pa sa kaniya, ang Free Ride ay magpapatuloy hanggat mayroong pondo.
 
Paglilinaw ni Sec. Tugade, ang mga accredited jeepney operators ng Libreng Sakay ay makakatanggap pa rin ng bayad per kilometer run mula sa DOTr at LTFRB.
 
“Sa madaling salita, may laman o wala ‘yung jeepney or bus, basta tumakbo ‘yan sa oras na nakatakda, pupunta sa mga lugar na nakatakda, bayad ho sila. Wala na hong karerahan kung sino ang sasakay— mag-aagawan sa pasahero, wala na po,” diin ni Sec. Tugade.
 
TSUPER ISKOLAR PROGRAM
 
Kabilang din sa tinalakay ni Sec. Tugade ang Tsuper Iskolar Program ng DOTr, katuwang ang LTFRB, Land Transportation Office (LTO), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na kauna-unahang inilunsad sa Pangasinan noong taong 2018, kung saan pinalawig na ang available slots simula 2,000 na ngayo’y nasa 4,000 na.
 
Ang programang ito ay alok ng gobyerno upang matulungan hindi lamang ang mga tsuper, kundi pati na rin ang kanilang asawa o mga anak, na magkaroon ng karagdagang kaalaman, pati na rin ang kita sa araw-araw.
 
Isa rin sa benepisyo ng 30-35 days training ng programang ito ang pagkakatanggap ng mga kasali ng 350 pesos na allowance kada araw.
 
“Kaya nga nagsusumamo at nakikiusap ako sa mga driver at tsuper—sumama kayo sa Tsuper Iskolar. Sumama kayo sa Libreng Sakay. Meron ‘hong nakaatang na benepisyo at pagpapaluwag-buhay sa mga programang ito,” pakiusap ni Sec. Tugade.
 
Pinaalalahanan ni Sec. Tugade ang ating mga tsuper na ugaliing sumunod sa basic health protocols at sabay-sabay na magpabakuna, bilang kasangga laban sa COVID-19.
 
“I want my legacy to not just be one project. I want my legacy to be a basket of attainment and performance in railways sector, aviation and airports, maritime, and road,” sabi ni Sec. Tugade.
 
Kabilang rin sa naganap na dialogue sina Dagupan City Mayor Bryan Lim , DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, LTO Regional Director Region 1 Atty. Teofillo Guadiz III, at LTFRB Regional Director Region 1 Nasrudin Talipasan.
 

#DOTrPH🇵🇭 #RoadSectorWorks #Dagupan #Pangasinan #ServiceContracting #LibrengSakay

 

TS FOI GPPB