MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 123IndependenceDay
Screenshot 20210611 154541
TINGNAN: Ang Kagawaran ng Transportasyon ay hindi lamang ‘ho para sa transportasyon, ito rin ‘ho ay para sa PANGHANAP-BUHAY.”
 
Ito ang binigyang diin ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa naging dayalogo niya kasama ang iba’t ibang transport groups sa Binalonan, Pangasinan, ngayong araw, ika-11 ng Hunyo 2021.
 
Sa naging dayalogo, pormal na inanunsyo ni Sec. Tugade ang mga programa at inisyatibo ng Kagawaran, kabilang na ang Service Contracting Program at Free Ride for Health Workers and APORs Program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maging ang pagbubukas ng mga trabaho sa iba pang proyekto ng Departmento sa apat (4) nitong sektor, para sa ating mga kababayan.
 
“Kung iniisip natin ‘yung kapakanan ng sambayanan at pasahero, iniisip din ‘ho namin ‘yung kalagayan ng drayber at tsuper, kaya nga ‘yung kita nila is a fixed sum of money, na kung saan ibibigay dapat ng operator at owner ‘yan, at walang kadahilanan na dapat ma-delay ‘yan pagka’t bayad po sila ng LTFRB,” ani Sec. Tugade, patungkol sa Service Contracting Program.
 
Para naman sa programang Libreng Sakay, mariing pinaalalahanan ni Sec. Tugade ang mga driver, “‘Wag niyo ‘hong sisingilin ang mga pasahero pagka’t ito ‘ho ay Libreng Sakay.”
 
Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Sec. Tugade ang ‘Tsuper Iskolar’ Program, at kung paano ito makatutulong sa ating mga kababayang Pangasinense.
 
“Ito ho yung programa ng LTO, LTFRB, TESDA at DOTr, na kung saan kayong mga bus driver, at jeepney driver, kung gusto ninyong madagdagan ang inyong kaalaman at karunungan sa pagne-negosyo kagaya ng pagme-mekaniko, troubleshoot, pag-manage ng inyong sasakyan, at kung anu-ano pa man, pumunta lang kayo sa TESDA. May kurso doon na kung saan mage-enroll kayo for 30-35 days. Wala ‘hong tuition fee ‘yan. Libre ‘ho ‘yan,” ani Sec. Tugade.
 
Dagdag pa niya, “Sa inyong pag-enroll, meron pa ‘ho kayong allowance. ‘Yung allowance niyo for 30-35 days, habang kayo ay nag-aaral ay manggagaling sa LTFRB, pondo ng DOTr, in partnership with TESDA. 30-35 days meron kayong P350 allowance per day. Kasama sa programang ‘yan ay pag-gusto ninyong isama ang inyong mahal sa buhay, pag-aralin niyo sa TESDA. Habang naga-aral ‘yan, meron din silang allowance.”
 
Inanunsyo rin ni Sec. Tugade ang kaniyang naging instruksyon na dapat ay mga Pangasinense ang prayoridad na ma-empleyo para sa programa sa lugar, at ang direktiba niya kamakailan sa mga project offices at contractors ng iba’t ibang proyekto ng DOTr sa Aviation and Airports sector, Railways, Maritime, at Road Transport, na magbukas ng trabaho para sa mga displaced ngunit qualified na OFWs, drivers, at conductors.
 
Ayon kay Sec. Tugade, “Marami ‘ho kaming proyekto na riles ng tren sa Central Luzon. Marami ‘ho kaming proyekto at magkakaroon kami ng proyekto sa tinatawag na paliparan. Meron ‘ho akong patakaran na kung saan sinasabi ko, sa aking mga kasamahan sa ahensiya at sa Departmento na kung mayroong programa dito sa Pangasinan, dapat ang unang i-empleyo ay taga-Pangasinan.”
 
Naghayag naman ng mensahe ng pagsuporta at pasasalamat ang mga lokal na opisyal ng Pangasinan kay Sec. Tugade, sa pagsasakatuparan ng mga proyektong makapagbibigay ng ginhawa at kaunlaran sa mga Pangasinense.
 
Ani Pangasinan 5th District Representative Ramon Guico III, “Ako po ay sumusuporta sa adhikain ng ating Department of Transportation, ganon ‘din po ang attached agencies nito.”
 
Kabilang din sa naganap na dayalogo sina Binalonan Mayor Ramon Guico Jr., DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr, OIC Undersecretary for Finance Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, Assistant Secretary for Aviation and Airports Jim Melo, OIC Assistant Secretary for Maritime VADM Narciso Vingson Jr., Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, at LTFRB Regional Director Nasrudin Talipasan.
 

#DOTrPH🇵🇭 #RoadSectorWorks #Binalonan #Pangasinan

 

TS FOI GPPB