MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 123IndependenceDay

Screenshot 20210611 202040

TINGNAN: “Mahal na mahal ko kayo lalo’t higit yung kulang at kapos. ‘Yung wala, mahal na mahal ko kayo. Bakit? Kasi diyan ho ako nanggaling, wala, kapos at kulang kaya dapat lang ipatikim ko rin sa inyo yung meron at meron dapat.”

Ito ang madamdaming pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade sa kanyang dayalogo sa transport groups sa Rosales, Pangasinan ngayong araw, ika-11 ng Hunyo 2021 kung saan inanunsyo niya ang Free Ride for Health Workers and APORs Program at iba pang inisyatibo ng Kagawaran sa lalawigan.

Sinabi ni Sec. Tugade sa mga driver at operator na bagamat mahirap ang buhay sa ngayon dahil sa pandemya, nakahandang tumulong ang gobyerno, kabilang ang DOTr, para maiangat ang kanilang pamumuhay.

Ibinahagi pa ng Kalihim ang kanyang dating buhay upang maging inspirasyon sa mga Pangasinense. “Bagamat nanggaling ako sa wala, hindi ako nadiscourage. Ako’y nagsumikap pagkat ayaw ko ‘yung pamilya ko matitikman ‘yung hirap na aking pinagdaanan. I considered it a challenge kaya nga naiangat ang aking pamumuhay.”

Partikular na pinayuhan ni Sec. Tugade ang mga PUV drivers at operators sa Pangasinan na sumali sa Service Contracting Program dahil malaking tulong ang matatanggap nilang regular na kita sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Sa pamamagitan ng Service Contracting Program, ang mga PUV drivers at operators ay babayaran sa kada kilometrong biyahe ng sasakyan na kasama sa Free Ride Program.

“May laman o wala yung bus o jeepney, bayad kayo ng may-ari, bayad kayo ng operator at dapat lang yung mga driver na nagmamaneho dapat lang mabayaran,” pahayag ni Tugade.

Sa ngayon ay anim (6) na ang inter-city routes sa probinsya, kung saan 65 units ng modernong public utility vehicles (PUVs) ang kasama sa Free Ride Program. Ang mga ruta kung saan may libreng sakay ang essential travelers ay sa Tayug - Urdaneta, Pozzorubio – Urdaneta, Bayambang – Dagupan, Dagupan – Lingayen, Dagupan City Loop at Dagupan – Calasiao.

“May instruksyon ako sa LTFRB na dapat dagdagan pa ang ruta at jeep at bus nang sa gayon kung marami pang ruta at marami ang sasakyan, mas marami pa ang makikinabang sa Libreng Sakay. Kaya ito ho dapat gamitin ninyo. Sabihin ninyo sa kapitbahay, sa pamilya at kaibigan, may libreng sakay,” ani Tugade.

Sa dayalogo ay hinikayat din ni Sec. Tugade ang mga Pangasinense na mag-enroll sa “Tsuper Iskolar” Program ng DOTr, LTFRB at Land Transportation Office (LTO), katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Mula nang ilunsan noong 2018, itinaas na sa 4,000 ang available slots para mas marami ang mapabilang na beneficiaries.

Sa ilalim ng programa, ang mga PUV drivers at kanilang pamilya ay sasailalim sa livelihood training sa loob ng hanggang 35 araw at tatanggap ng P350 na allowance bawat araw.

“Ako ho’y nakikiusap sa inyo na gamitin ninyo ang oportunidad na ito para ng sa gayon yung paraan ng inyong pagkita at paghanap-buhay ay madagdagan. Para ng sa gayon yung estado ng paghahanap-buhay mo na kulang sa pangangailangan, madagdagan,” pahayag ni Tugade.

Ang dayalogo sa transport stakeholders sa Rosales ay ang huling aktibidad ni Sec. Tugade sa Pangasinan. Una nitong ininspeksyon ang Pangasinan Port Cluster Development Project sa Barangays Capandanan at Pangapisan sa Lingayen.

Pagkatapos sa Lingayen ay nakipagdayalogo si Sec. Tugade sa transports groups sa Dagupan City at bayan ng Binalonan. Nag-courtesy call din si Tugade kay Pangasinan Governor Amado Espino III.

Kasama ni Sec.Tugade sa kanyang pagbisita sa Pangasinan sina DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon Jr, OIC Undersecretary for Finance Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, Assistant Secretary for Aviation and Airports Jim Melo, OIC Assistant Secretary for Maritime VADM Narciso Vingson Jr., Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, LTO Regional Director Teofilo Guadiz, LTFRB Regional Director Nasrudin Talipasan, at DOTr Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran.

#DOTrPH🇵🇭 #RoadSectorWorks #Rosales #Pangasinan #ServiceContracting #FreeRide #LibrengSakay

 

TS FOI GPPB