MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210615 073920
Masayang sumalubong kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang mahigit 70 na dating OFWs, sa naganap na on-site inspection sa Calumpit Main Site Yard ng PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos) ngayong araw, ika-14 ng Hunyo 2021.
 
Ang mga kababayan nating ito ay kabilang sa mga nabigyan ng oportunidad na magtrabaho para sa rail line segment. Sila ay karagdagan sa naunang 200 former OFWs na iprinisinta at ipinakilala ng Sumitomo Mitsui Construction Company, Ltd., at Sta. Clara International Corporarion, noong mga nakaraang linggo, para rin sa proyekto. 
 
Sa pagkikita ni Sec. Tugade at ng ating mga kababayang OFWs, inihayag niya na malaki ang puwang ng OFWs sa puso ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya’t ang direktiba nito sa Kagawaran ng Transportasyon ay bigyan sila ng hanap-buhay, at matulungang kabangon muli, sa kabila ng pandemya.
 
“Sabi niya [Pres. Duterte], 'Art, maraming magbabalikan na OFWs. Art, ang kailangan ay mabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng hanap-buhay, at magkaroon ng katungkulan sa mga proyekto ng ating gobyerno’,” salaysay ni Sec. Tugade.
 
Nagbahagi naman ng mensahe ng pagsuporta at pasasalamat ang ating mga kababayang OFWs sa pagbukas ng mga trabaho para sakanila, kung saan nila maaaring maipamalas ang kanilang talento at kakayahan, na tiyak na magiging malaking bahagi sa matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto.
 
“Marami na po kaming napuntahan kung saan-saang bansa, sana tuloy-tuloy po itong proyekto ng ating Secretary, at maipamalas namin ang mga world-class na teknolohiya na natutunan namin sa paggamit sa amin ng mga kumpanya,” sambit ni Alex Diaz, isang former OFW mula sa Vietnam.
 
Dagdag pa niya, “Gusto naming maibahagi ito. Dito namin magamit ang mga teknolohiyang ito, mai-apply sa lahat ng project ng “Build, Build, Build” Program. Kaya, kami po ay nagpapasalamat sa lahat, at nananalangin na sana tuloy-tuloy po ang proyekto ng ating gobyerno, nang sa gano’n kaming mga OFWs, hindi na namin kailangan lumayo pa. At least, nandito kami nagta-trabaho kasama ng aming mga pamilya.”
 
Matapos ito, hinikayat at inanyayahan ni Sec. Tugade ang ating mga kapwa Pilipino, partikular na ang mga displaced ngunit qualified na mga OFWs, drivers, at conductors, na makilahok sa mga programa at proyekto ng Kagawaran, sapagka’t bukas ang pinto nito para sa kanilang hangarin na magtrabaho.
 
“Kaya nga ba't ako'y nakikiusap sa inyo na kung mayroon kayong mga kasamahan na wala pang trabaho o naghahanap ng oportunidad para maghanap ng trabaho, papuntahin niyo sila sa aking Kagawaran na kagaya niyo, bibigyan natin sila ng oportunidad hindi lang sa riles, pati na Aviation, Maritime at sa lansangan,” ani Sec. Tugade.
 
“Marami 'hong proyekto ang ating gobyerno. Kung mayroon naman kayong minamahal sa buhay na rider sa bus, sa jeepney, o konduktor sa bus at jeepney na naghahanap na ng ibang oportunidad, nang sa ganu’n ay madagdagan ang kanilang ibang skills, talento at paghahanap-buhay, mamili kayo sa Kagawaran ng Transportasyon,” pagtatapos ni Sec. Tugade.
 
#DOTrPH🇵🇭 #PNR #BUILDBUILDBUILD