MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

 FB IMG 1623845837813

Bilang patuloy na paggunita sa ika-123 na taon ng Araw ng Kasarinlan, nakikiisa ang Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Art Tugade, sa #TOGOPH123, isang “virtual cycling challenge,” na inilunsad ng Togoparts Philippines.

Inaanyayahan ang lahat ng mga siklistang Pinoy na makibahagi sa naturang proyekto na nagsimula noong ika-12 ng Hunyo, at magpapatuloy hanggang ika-04 ng Hulyo 2021.

Sa tulong ng Life Cycles PH Community, isang grupo ng mga sibilyang siklista, bahagi ng malilikom mula sa registration ng mga participants ay magsisilbing donasyon upang magkaroon ng bisikleta ang ating mga frontliners.

Ito rin ay upang mas mapalawak at mapalakas pa ang pagtulong sa ating mga frontliners, bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang kabayanihan.

Maaaring magparehistro hanggang sa ika-28 ng Hunyo ang lahat ng nagnanais lumahok sa inisyatibong ito.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng Togoparts Philippines sa www.togoparts.com/challenges/home/togoph123.

Tara na't magkita-kita sa finish line!

#DOTrPH🇵🇭 #123IndependenceDay #TOGOPH123 #RoadSectorWorks