MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

Screenshot 20210617 113339

TINGNAN: Lumagda si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ng isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagtatayo ng Seafarers Condotel, ngayong araw, ika-17 ng Hunyo 2021, kasabay ng pagdiriwang ng ika-47 taong anibersaryo ng Maritime Industry Authority (MARINA).

 
Ayon kay Sec. Tugade, ang condotel ay ‘siyang magsisilbing transient home ng mga kababayan nating seafafers habang sila ay nagpo-proseso ng kanilang mga documentary requirements, o kaya naman ay sumasalang sa mga pagsasanay bago tuluyang makaalis at makasampa sa kani-kanilang mga barko.’
 
Dagdag pa ni Sec. Tugade, “Itinuturing ko ‘ho ang mga mahal nating seafarers na modern day heroes. Atin ‘hong pinahahalagahan ang kanilang sakripisyo at ambag sa ekonomiya ng ating bansa, at sa kabuhayan ng kani-kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang anumang tulong na makapagpapagaan sa kanilang mga trabaho.”
 
Kasama ni Sec. Tugade sa paglada ng MOU sina  MARINO Partylist Representative Sandro Gonzalez, Associated Marine Officers and Seamens Union of the Philippines (AMOSUP) President Dr. Felix Oca. Ang mga witnesses naman sa paglada ay sina MARINA Administrator Robert Empedrad at Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago.
 
#DOTrPH🇵🇭 #MARINA #Seafarers