MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

Screenshot 20210617 163550

IN PHOTOS: Labinlimang seafarer ang naunang lumahok sa Ceremonial Vaccination na isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA), sa pakikipagtulungan ng MARINO Partylist at AMOSUP, kasabay ng pagdiriwang ng 47th anniversary MARINA ngayong araw, 17 June 2021.

 
Ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan laban sa COVID-19 ang ating mga marino na naglalayag sa iba’t ibang panig ng mundo.
 
“Mahalaga po ‘yung vaccination sa aming seafarers, para maprotektahan kami sa aming trabaho dahil nae-expose po kami sa mga bansa na napupuntahan namin. Kaya, ini-encourage ko ‘yung mga kasamahan naming seafarers na magpa-vaccine para protektado po tayo,” paghihikayat ng isang marino.
 
Ipinaabot naman ni Marino Partylist Representative Sandro Gonzales kay Sec. Art Tugade ang kaniyang rekognisyon sa kaniyang namumukod-tanging pamamahala sa Kagawaran ng Transportasyon, kung saan nabago at napabuti nito ang takbo ng maritime industry at kapakanan ng mga Filipino seafarers kahit na tayo’y nasa gitna ng pandemya.
 
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Sec. Tugade na isa sa mga prayoridad ng DOTr at ng pamahalaan ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino seafarers sa gitna ng global health crisis.
 
“Kaya nga ba, bibigyan namin kayong [seafarers] priority sa tinatawag na inoculation of vaccination. Kaya nga ba’t ngayong araw na ‘to, nakita natin ang ating mga kapatid na seafarers na kung saan, sila ay willing na magpabakuna. What a beautiful way to celebrate the anniversary,” saad ni Sec. Tugade.
 
#DOTrPH🇵🇭 #MARINAPH #MaritimeSectorWorks #Seafarers #MARINA47thAnniversary