MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

FB IMG 1623923132018

FRIENDS!!! Alam niyo ba na sa oras na matapos ang PNR CLARK PHASE 1, ay magiging 35 MINUTES na lang ang biyahe mula TUTUBAN, MANILA, hanggang MALOLOS, BULACAN, kumpara sa kasalukuyang 1.5 oras?

 
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, “Noon ‘ho, tila isang pangarap na imposibleng matupad ang magkaroon ng linya ang Philippine National Railways (PNR) na magdudugtong sa Manila at Bulacan.
 
“Upang maisakatuparan ang proyektong ito na matagal nang hinihintay ng ating mga kababayan, pinagsumikapan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Philippine National Railways (PNR) na agarang simulan ang aktwal na konstruksyon nito.
 
“NGAYON, 46.68% na ang overall progress rate ng PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos), na bahagi ng massive North-South Commuter Railway Project (NSCR).
 
“Oras na makumpleto ang PNR Clark Phase 1 Project, inaasahang magiging 35 minuto na lang ang biyahe mula Manila patungong Bulacan, mula sa kasalukuyan na 1.5 oras. Nasa 300,000 naman na pasahero ang kaya niyong maserbisyuhan kada araw.”
 
Ibinihagi rin ni Sec. Tugade na maliban sa hatid na ginhawa ng proyekto sa ating mga mananakay, ay may hatid din itong tulong-pangkabuhayan para sa ating mga kababayan.
 
“..Tinatayang nasa 8,606 na trabaho ang nabuo sa kasalukuyang construction phase ng Manila to Malolos segment ng PNR Clark, samantalang 2,500 na trabaho naman ang magbubukas pa oras na matapos at maging operational ito,” ani Sec. Tugade.
 
Dagdag pa niya, “Tunay na nalalapit na ‘ho ang pgbabago na mararamdaman ng ating mga kababayan sa Metro Manila at Bulacan.”
 
#DOTrPH🇵🇭 #ArtTugade #BUILDBUILDBUILD #Bulacan #PNRClark #NSCR