MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210618 131924
TINGNAN: “Prayoridad 'ho ng ating pamahalaan at ng Department of Transportation ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayang seafarers.”
 
Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, sa isinagawang ceremonial vaccination kanina para sa ating mga kababayang marino, kasabay ng ika-47 taong anibersaryo ng Maritime Industry Authority (MARINA).
 
Ayon kay Sec. Tugade, “Bilang pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kababayan nating seafarers ngayong panahon ng pandemya, kaninang umaga ay nagsagawa 'ho tayo ng ceremonial vaccination para sa mga mahal nating mga marino.”
 
Dagdag pa ni Sec. Tugade, “Sa laki ng kontribusyon nila at sakripisyo na iniaalay sa kanilang pamilya at sa bayan, nararapat lamang na sila ay bigyan natin ng prayoridad at pagpapahalaga.”
 
#DOTrPH🇵🇭 #ArtTugade #Seafarers
 

https://www.facebook.com/106472688264785/posts/128446719400715/