MENU
  • 1 of 7 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 7 Build Build Build Banner
  • 3 of 7 Aviation Banner
  • 4 of 7 Railways
  • 5 of 7 Maritime
  • 6 of 7 Road Sector
  • 7 of 7 18-day Campaign to End Violence Against Women
FB IMG 1625996424895
Mas pinaigting at mas modernong transport service ang asahan sa Laoag, Ilocos Norte matapos pasinayaan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang dalawang proyekto sa lalawigan kahapon, 08 Hulyo 2021.
 
Sa kanyang pagbisita sa Ilocos Norte, pinangunahan ng Kalihim ang pagpapasinaya sa bagong gawang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Administration Building sa Laoag International Airport.
 
Dahil sa nakumpletong bagong gusali na natapos noong Disyembre 2020, inaasahang magiging mas mabilis at sentralisado na ang proseso at serbisyo ng CAAP para sa mga mananakay.
 
Samantala, maliban sa bagong Admin Building, patuloy pa rin ang ilan pang projects tulad ng Asphalt Overlay of Runway at Site Acquisition sa Laoag International Airport.
 
23 MODERN JEEPNEYS UMARANGKADA NA!
 
Matapos ang pagpapasinaya sa nasabing airport project, agad namang inilunsad ni Sec. Tugade ang dalawampu’t tatlong (23) modern jeepneys para sa mga miyembro ng Laoag Bacarra Pasuquin Transport Corporation (LBPTC).
 
Pinagkalooban ang mga tsuper ng Certificate of Public Convenience para sa kanilang mga route assignment na Laoag City – Bacarra – Pasuquin.
 
Tiniyak din ni Sec. Tugade ang suporta na ipinagkakaloob ng Kagawaran para sa mga kooperatiba at mga miyembro nito na layong siguruhing ligtas at kombinyente ang pampublikong transportasyon.
 
“I assure you – I will support you, so that the objectives that you have na inatang ninyo sa sarili niyo nang sa ganoon makamtam ninyo at masabi ninyo na nandiyan ang Kagawaran ng Transportasyon at sinasabing ‘Kaibigan, handa kaming tumulong sa inyo,’” ani Sec. Tugade.
 
Samantala, ikinagalak naman ni Laoag City Mayor Michael Keon ang paglulunsad ng 23 modernized jeepneys sa lungsod dahil sa makabago nitong disenyo at pagbabago nitong dala para sa mga taga-Laoag.
 
“The future of public transportation is here. Whether the commuters or the public transport operators, may like it or not, change is upon us dito sa atin sa Pilipinas and specifically dito sa atin sa Ilocos Norte and the City of Laoag. We understand that it has been in the government’s priority of to-do list but it has been constantly pushed under the rug because it was deemed anti-poor,” pahayag ni Mayor Keon.
 
Inalok din ng Kalihim ang mga tsuper na lumahok sa mga programa ng DOTr kagaya ng ‘Tsuper Iskolar’ at financing program para sa mga nais makibahagi sa Public Utility Vehicle Modernization (PUVMP). Ito ay upang lalo pang mapalago ang kanilang kabuhayan sa kabila ng nararanasang pandemya. 
 
Inulit ni Sec. Tugade sa mga tsuper at operator na libre ang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mas mabilis na ang pag-abruba ng mga aplikasyon ng mga bagong ruta.
 
Pinaalalahanan din niya ang mga tsuper na siguruhing sumusunod ang lahat sa minimum health protocols habang nasa loob ng pampublikong transportasyon gaya ng paggamit ng face mask at face shield, pagbawal sa pakikipag-usap kung hindi kinakailangan, at ang pagkain at pag-inom sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
 
#DOTrPH🇵🇭