MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

FB IMG 1626771890182

Si Maricar Andama na isang Authorized Person Outside Residence (APOR) mula Region II ay isa sa mga nakinabang sa Libreng Sakay na ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa.

 
Ayon kay Maricar, malaking tulong ang Libreng Sakay dahil mas nakatipid ito sa kaniyang travel expenses papuntang trabaho, kung saan nagsisilbi siya sa ating mga kababayan sa gitna ng pandemya.
 
Sinisikap po ng DOTr at LTFRB na maipagpatuloy muli ang Libreng Sakay na nasa ilalim ng Service Contracting Program, sa pamamagitan ng paglaan ng pondo para rito sa ilalim ng Republic Act 11518 o General Appropriations Act (GAA) 2021.
 
Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!
 
#DOTrPH🇵🇭 #LTFRB #LibrengSakay #ServiceContractingProgram #TotoongTaoTotoongKwento