MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

Screenshot 20210731 123805

TINGNAN: Kahapon, 30 Hulyo 2021 ay tinupad ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang pangako n’yang paglapag sa Bicol International Airport sa Daraga, Albay, na ngayo'y 90% complete na.

 
“Marami kaming dinaanan na problema o difficulties dito. Nag-umpisa nga kami dito ‘ground zero’. Ito, may kabuuan na. Hindi lamang po para sa Bicol ‘yan, para sa buong sambayanan ‘yan,” pahayag ni Sec. Tugade.
 
25 years ago nang simulan ang pre-feasibility study para sa paliparan, ngunit ang aktwal na konstruksyon ay nagsimula lamang noong huling yugto ng 2016.
 
Marami ‘ho kaming dinaanan na difficulties para lamang maisakatuparan ang proyektong ito. Dalawang beses na may nang-sunog dito ng mga equipment sa construction. 25 years ago pa po ito pinagpaplanuhan at hinihintay ng ating mga kababayang Bicolano. At ngayon, sa wakas ay matatapos na,” ani Sec. Tugade.
 
“Sa inyong mga laborers at workers na nagtrabaho dito, maski may COVID, sunog, pati na [masamang] weather, hindi niyo inisip ang inyong kapakanan. Trabaho at trabaho lang kayo. Salamat,” dagdag pa ng Kalihim.
 
Ang Bicol International Airport ay mayroong laking 145 hectares land area at habang 335 meters na runway strip. At dahil sa mas pinalawig na Passenger Terminal Building (PTB), 2 million na pasahero ang kayang ma-accommodate nito taun-taon.
 
Ang CAAP naman ay patuloy na nagsasagawa ng mga aktibidad gaya ng technical inspections at validation efforts, upang masiguro na ang BIA ay compliant sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO), at kumpleto ang mga kagamitan at pasilidad nito para ligtas at maayos na makapag accommodate ng flights.
 
Inaasahang magsisimula ang day operations ng BIA sa Oktubre, samantalang magiging handa naman ito para sa night operations sa Nobyembre. 
 
Dahil sa napipintong pagbubukas ng Bicol International Airport, tiyak na mas lalago ang ekonomiya sa Bicol at mga karatig-rehiyon nito. Inaasahan din na higit pang uusbong ang turismo, at marami pang job opportunities ang magbubukas para sa ating mga kababayan.
 
#DOTrPH🇵🇭 #BicolInternationalAirport #BUILDBUILDBUILD #Albay #Bicol