MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
Screenshot 20210913 163426
Muli nang umarangkada ngayong araw, ika-13 ng Setyembre, ang Libreng Sakay para sa mga medical frontliners, essential workers at APOR sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
 
Ang programang ito ay nakapailalim sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
 
Ngayong araw, nagsimula nang magbigay ng Libreng Sakay sa iba’t-ibang ruta sa Metro Manila, Region 1, Region 2 at Region 10. 
 
Ang programang ito ay isinulong ni Transportation Secretary Art Tugade upang makapagbigay ng tulong at pagkilala sa mga kababayan nating tsuper, operator at mga pasahero, na naapektuhan ng pandemya.
 
“Layunin ng Service Contracting Program na makapagbigay ng dagdag kita sa mga drayber at operator sa gitna ng pandemya. Nais rin naming makatulong sa ating mga commuter sa pamamagitan ng pagbibigay ng Libreng  Sakay, gayundin ng maayos, mabilis, at ligtas na pampublikong transportasyon,” saad ni Sec. Tugade.
 
Narito ang listahan ng mga rutang nagsimula nang maghatid ng Libreng Sakay sa mga pasahero ngayong araw:
 
NATIONAL CAPITAL REGION
 
1) Alabang - Zapote
2) Baclaran - NAIA Baltao
3) Buendia - PITX
4) Cubao (Diamond) – Roces (PANTRANCO)
5) Cubao Rosario – Sta. Lucia
6) EDSA Busway
7) Gasak – Divisoria
8 ) Gasak – Recto
9) Lagro – QMC
10) Munoz – Quiapo
11) Nichols - MOA
12) Nichols – Vito Cruz
13) Novaliches – Malinta via Paso De Blas & Vice Versa
14) Parang Marikina – Cubao
15) Pasig Palengke to Bagumbayan via San Joaquin
16) QMC Loop
17) Quezon Avenue – 5th Avenue LRT
 
REGION 1
 
1) Dagupan City – Bambang
2) Urdaneta – Tayug via Asingan
3) Vigan – Sinait
 
REGION 2
 
1) Ilagan – Cauayan
 
REGION 10
 
1) Cagayan De Oro City – Kapatagan & Vice Versa
2) Cagayan De Oro City – San Fernando
 
Para naman sa kaligtasan ng mga pasahero, mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga sumusunod na health and safety protocols sa lahat ng mga pampublikong transportasyon: 
 
1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 
3) Bawal kumain; 
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 
5) Laging magsagawa ng disinfection; 
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 
7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing. 
 
Inaasahang sisimulan na ring maipatupad ang Libreng Sakay sa iba pang mga rehiyon sa bansa sa mga susunod na araw.
 
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. 
 
#DOTrPH🇵🇭 #LTFRB #LibrengSakay
#ServiceContractingProgram