MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector
FB IMG 1631605980878
Umabot sa 170,345 ang naitalang ridership ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa unang araw ng pagbabalik ng LIBRENG SAKAY para sa mga health workers, medical frontliners, at mga APOR kahapon, ika-13 ng Setyembre 2021. 
 
Sinimulang muli ang programa sa Metro Manila, Region 1, Region 2, at Region 10. 
 
Ang pagpapatuloy ng programang LIBRENG SAKAY sa ilalim ng Service Contracting Program ay bilang tugon sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na tulungan ang ating mga kababayang medical frontliners, essential workers at APOR na bumabyahe sa kani-kanilang mga trabaho sa gitna ng pandemya.
 
Sa pamamagitan naman ng Service Contracting Program, nabibigyan ng insentibo ang mga drayber at operator base sa bilang ng kanilang nakumpletong biyahe kada linggo, may sakay man silang pasahero o wala.  
 
Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga operator at driver para sa ating mga commuter. 
 
Inaasahang sa mga susunod na linggo ay sisimulan na rin ang pagpapatupad muli ng Libreng Sakay sa iba pang rehiyon sa bansa. 
 
Naniniwala si Secretary Tugade na malaking tulong ang dagdag na kita ng mga drayber, gayundin ang pamasaheng matitipid ng mga commuter, upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan, lalo ngayong maraming tayong mga kababayan ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic. 
 
#DOTrPH🇵🇭 #LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY #ServiceContractingProgram