MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

FB IMG 1631664108898

Kalunos-lunos ang estado ng Ormoc Airport sa Leyte sa napakatagal na panahon, matapos itong mapinsala ng Super Bagyong Yolanda noong 2013. Dahil dito, labis na delikado at halos hindi na mapakinabangan ang paliparan.

 
Upang masolusyunan ito, at matulungan ang airport na makabangon muli, pinagsumikapan ng Department of Transportation (DOTr), sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na simulan at kumpletuhin sa lalong madaling panahon ang rehabilitation at improvement project dito.
 
Ngayon po, mayroon na itong STATE-OF-THE-ART PTB, at mas MODERN, PINATIBAY, at PINAGANDANG mga pasilidad!
 
Lumawak na rin ang buong airport at na-kumpleto na ang vehicular parking area, power supply, at air-conditioning system. Mayroon pang CAAP Administration Building ang airport, na nagbigay daan sa mas seamless at maayos na serbisyo para sa mga taga-Leyte. 
 
Naging susi rin ang airport development project sa pag-usbong na ekonomiya at turismo sa lugar, at pag-angat ng antas ng kabuhayan ng ating mga kababayan.
 
Sa kasalukuyan, ang Ormoc ay magsisilbing alternate airport para sa Tacloban Airport sa panahon ng kalamidad, at magiging gateway sa mga tourists destinations ng Leyte Province!
 
#DOTrPH🇵🇭 #CAAP #OrmocAirport #Ormoc #Leyte #Visayas #AviationAndAirportsSectorWorks #ComfortableLifeForAll #BUILDBUILDBUILDKalunos-lunos ang estado ng Ormoc Airport sa Leyte sa napakatagal na panahon, matapos itong mapinsala ng Super Bagyong Yolanda noong 2013. Dahil dito, labis na delikado at halos hindi na mapakinabangan ang paliparan.
 
Upang masolusyunan ito, at matulungan ang airport na makabangon muli, pinagsumikapan ng DOTr, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng CAAP, na simulan at kumpletuhin sa lalong madaling panahon ang rehabilitation at improvement project dito.
 
Ngayon po, mayroon na itong STATE-OF-THE-ART PTB, at mas MODERN, PINATIBAY, at PINAGANDANG mga pasilidad!
 
Lumawak na rin ang buong airport at na-kumpleto na ang vehicular parking area, power supply, at air-conditioning system. Mayroon pang CAAP Administration Building ang airport, na nagbigay daan sa mas seamless at maayos na serbisyo para sa mga taga-Leyte. 
 
Naging susi rin ang airport development project sa pag-usbong na ekonomiya at turismo sa lugar, at pag-angat ng antas ng kabuhayan ng ating mga kababayan.
 
Sa kasalukuyan, ang Ormoc ay magsisilbing alternate airport para sa Tacloban Airport sa panahon ng kalamidad, at magiging gateway sa mga tourists destinations ng Leyte Province!
 
#DOTrPH🇵🇭 #CAAP #OrmocAirport #Ormoc #Leyte #Visayas #AviationAndAirportsSectorWorks #ComfortableLifeForAll #BUILDBUILDBUILD