MENU
  • 1 of 6 DOTr 122nd Anniversary
  • 2 of 6 Build Build Build Banner
  • 3 of 6 Aviation Banner
  • 4 of 6 Railways
  • 5 of 6 Maritime
  • 6 of 6 Road Sector

Screenshot 20211013 081538

TINGNAN: Pinangunahan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade at Department of Labor and Employment - DOLE Secretary Silvestre Bello III ang paglagda sa isang Memorandum of Aggreement (MOA) na makapagbibigay ng livelihood assistance sa bawat tsuper, operator, dispatcher at iba pang miyembro na nasa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pamamagitan ng "enTSUPERneur Program,” ngayong araw, ika-12 ng Oktubre 2021.

 
Sa kanyang keynote address, masayang inihayag ni Secretary Tugade ang kaniyang suporta at pakikiisa sa bagong programa, kasama si DOLE Sectary Bello, na magsusulong ng isang 'GOLDEN OPPORTUNITY' para sa mga mangagawa sa transport sektor.
 
"Ako ay maligaya at natutuwa nakasama ko ngayon si Sec. Bello, isang kalihim na kung saan yung dedikasyon nya para sa mga trabahador, sa mga labor, mga nagsisilbi overseas lahat ng dedikasyon nya ay sinsero at tapat. Ako ay natutuwa at kasama ko siya ngayon, maraming programa na kasama ko siya at nakita ko ang mga programang inilunsad at kanyang binibigyang tibay at suporta ay nagpapaunlad sa mga manggagawa," taos pusong pahayag ni Secretary Tugade. 
 
"Kaisa ninyo ako, nanggaling ako sa wala, kaya nga ba't ang mga programang ganito ay pinagtutulakan ko. 'Pagkat ito ay isang magandang oportunidad, GOLDEN OPPORTUNITY ika nga, na kung saan yung wala, yung kapos sa buhay ay magkakaroon ng magandang oportunidad upang mapabago ang kanyang buhay," dagdag ni Secretary Tugade.
 
Ang Livelihood Assistance Program, o "enTSUPERneur Program" ay naglalayong matulungan ang mga apektadong tsuper, operator, konduktor, dispatcher, at transport employees na miyembro ng kooperatiba, maging indibidwal na operator man, na mabigyang pagkakataon makapagtayo, makapagtrabaho, at makapagsimula ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance at paunang kapital.
 
Lubos naman ang pagpapakita ng suporta ni DOLE Secretary Bello sa DOTr sa ilalim ng liderato ni Secretary Tugade, dahil sa patuloy na isinusulong na inisyatibo, at programa ng DOTr Road Transport Sector, tungo sa magagandang oportunidad at proyekto para sa mga mangagawa. 
 
"I would like to express my deep appreciation to my dear friend Secretary Art of the DOTr, OTC, and LTFRB for your relentless commitment that led to this convergence project to further intensify the govenments effort in support of the Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)," ani ni Secretary Bello. 
 
"I am very positive that this partnership will be an instrumental in improving the ecnomic conditions and welfare of the workers in the transport sector," dagdag ni Secretary Bello.
 
Katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB sa pangunguna ni Chairman Martin Delgra, at Office of Transportation Cooperatives (OTC) Chairman Eugene Pabualan, naglaan ng 200M na pondo para sa "enTSUPERneur" program sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), na layuning makapagbigay ng kabuhayan sa 6,333 na mangagawa mula sa sektor ng transportasyon, sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
 
Bahagi ng magandang programang ito ang pagbibigay ng entrepreneurial-related training, businesses management orientation, business capital para sa kinakailangang kagamitan, micro-insurance, at ang pagbibigay ng iba pang suporta maging ng monitoring activities para masigurong magiging maayos ang pagpapatakbo ng negosyong napili ng mga lalahok sa programa. 
 
Kasama sa signing ceremony sina DOTr Udersecretary for Finance Giovanni Lopez, DOTr Usec. for Legal Affairs Reiner Paul Yebra, DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, DOTr Asec for Special Concerns Manuel Gonzales, at iba pang mga representante mula sa iba't ibang ahensya ng DOLE, LTFRB, at OTC.
 
#DOTrPH #DOLE #LTFRB #OTC #EnTSUPERneur #SamaSamaSaArangkada