MENU
  • 1 of 8 DOTr 123rd Anniversary
  • 2 of 8 Build Build Build Banner
  • 3 of 8 Aviation Banner
  • 4 of 8 Railways
  • 5 of 8 Maritime
  • 6 of 8 Road Sector
  • 7 of 8 2022 National Women's Month Celebration
  • 8 of 8 FOI
FB IMG 1642067316722
Nagpahayag ng buong suporta ang mga bus operator sa National Capital Region (NCR) at mga provincial bus operator na may rutang dumadaan sa NCR sa No Vaccine, No Ride Policy ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na ipatutupad sa Enero 17, 2022.
 
Sa isinagawang pagpupulong ng LTFRB sa mga nasabing operator kahapon ika-12 ng Enero 2022, ipinahihiwatig nila ang kanilang malugod na pagtanggap sa pagpapaunlad ng nasabing polisiya upang matiyak ang kalusugan ng kanilang mga driver at konduktor na nasa mataas na panganib na magkaroon ng COVID-19 virus.
 
Ayon kay Ms. Juliet de Jesus ng Vil5000 na nabakunahan na ang kanilang mga empleyado sa transportasyon ngunit nanganganib pa rin itong mahawa mula sa virus dahil sa mga hindi nabakunahan na pasahero.
 
“Kaya po masaya kami na merong ganitong mga polisiya at kami po ay susunod talaga,” ani de Jesus.
 
Humingi rin ng tulong ang mga Bus Operator sa MMDA, I-ACT, at LTFRB Enforcers sa pagpapatupad ng bagong patakaran.
 
Tiniyak ng LTFRB sa mga operator ng bus na tutulong ang mga enforcer nito, kasama ang mga tauhan mula sa MMDA at I-ACT, sa pagpapadali sa pagsusuri ng mga kinakailangan bago sumakay upang maiwasan ang pagkaantala ng byahe.
 
Ang LTFRB ay naglabas ng Memorandum Circular No. 2022-001, alinsunod sa DOTr Department Order No. 2022-001, sa “No Vaccine, No Ride Policy in the NCR,” na nagbabawal sa mga hindi bakunadong residente sa NCR na gumamit ng pampublikong transportasyon at karatig probinsiya na nais pumunta sa NCR dahil sa kamakailang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
 
Sa ilalim ng nasabing MC, tanging ang mga indibidwal na ganap na nabakunahan na makapagbibigay ng pisikal o digital na kopya ng kanilang vaccine card o certification na ibinigay ng LGU, DOH, o IATF at kopya ng anumang valid government-issued ID na may larawan at address ang maaaring bumili ng mga tiket o payagang makapasok sa pampublikong sasakyan.
 
Gayunpaman, ang mga may kondisyong medikal na pumipigil sa ganap na pagbabakuna sa COVID-19, na pinatutunayan ng isang medikal na sertipiko na may tamang pangalan, lagda, at mga detalye sa pakikipag-ugnayan ng doktor ay hindi kasama sa patakaran, kasama ang mga taong bibili ng mga mahahalagang produkto at serbisyo. Bilang ebidensya, maaring magpakita ng nararapat na barangay health pass o iba pang naaangkop na patunay ng suporta upang bigyang-katwiran ang naturang paglalakbay.
 
Noong nakaraang linggo, ang Metro Manila Council ay naglabas na ng kautusan na ipinagbabawal ang pagsakay sa pampublikong transportasyon ng mga hindi bakunadong indibidwal. Ang Resolusyon na ito ay inaprubahan at nilagdaan ng lahat ng Metro Manila Mayors at ng MMDA, at mahigpit na sinusuportahan ng IATF.
 
Samantala, ang Department Order No. 2022-001 ng DOTr at ang MC No. 2022-001 ng LTFRB ay inilabas bilang suporta sa nasabing MMC Resolution.
 
Sa kabilang banda, ipinagbabawal din ng lahat ng LGU Ordinance sa Metro Manila ang mga hindi pa nabakunahan na gumamit ng pampublikong transportasyon.
 
Ang “No Vaccination, No Ride Policy” ay nakatakdang ipatupad sa lahat ng pampublikong transportasyon sa NCR (lupa, himpapawid, at karagatan) sa Enero 17, 2022.
 
#DOTrPH
#LTFRB
#NoVaccineNoRide