MENU
  • 1 of 8 DOTr 123rd Anniversary
  • 2 of 8 Build Build Build Banner
  • 3 of 8 Aviation Banner
  • 4 of 8 Railways
  • 5 of 8 Maritime
  • 6 of 8 Road Sector
  • 7 of 8 2022 National Women's Month Celebration
  • 8 of 8 Child Week

Screenshot 20220121 172900

ALAMIN: Narito ang mga kasagutan upang bigyang linaw ang mga madalas na katanungan patungkol sa layunin, legal na basehan, exceptions, requirements, at iba pang may kaugnayan sa ipinapatupad na "No Vaccine, No Ride" Policy ng DOTr sa Metro Manila.

 
Ang "No Vaxx, No Ride Policy" ay ipinatupad bilang suporta sa mga lokal na ordinansang ipinasa ng lahat ng mga LGUs sa Metro Manila, gayundin ng MMDA, na nagbabawal sa pagpapasakay ng mga unvaccinated individuals sa mga pampublikong transportasyon. Ang mga ordinansang ipinasa ng mga lokal na pamahalaan ay itinuturing na valid exercise of police power sa ilalim ng Local Government Code.
 
Ayon na nga mismo kay Justice Secretary Menardo Guevarra— "The state has the power to regulate the movement of unvaccinated persons if it deems that such regulation is in the interest of public health or public safety.”
 
Ang “No Vaxx, No Ride” Policy ay HINDI absolute. Mayroon itong exceptions. Ikaw ay exempted kung ikaw ay may pruweba na: ikaw ay may medikal na kondisyon na nagbabawal sa’yong magpabakuna; ikaw ay isang essential worker o mag-a-avail/kukuha ng essential goods and services.
 
Samantala, patuloy naman ang apela ni Secretary Art Tugade sa ating mga kababayan na sumunod sa polisiya dahil makakatulong ang hakbang na ito upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Ginawa ang polisiya upang protektahan ang lahat – lalo na ang mga hindi bakunado, na siyang pinaka vulnerable na makakuha ng severe COVID-19 infection. Ito rin ay upang ibsan ang pasanin ng ating healthcare system at medical workers lalo na ngayong mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Nananawagan din si Secretary Tugade sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa anumang variant ng COVID-19.
 
Tandaan, ang polisiya itong ay ipinatupad para sa kaligtasan ng LAHAT— bakunado ka man o hindi.
 
Mag-ingat po tayong lahat. 🙏
 
#DOTrPH 🇵🇭 #NoVaxxNoRide